Nahanapan ko si Tony Perez ng mga libro ni Paul Bowles sa Booksale: "Without Stopping: An Autobiography" at "Days: Tangier Journal: 1987-1989."
Nabanggit kasi niya dati sa akin na pabortio niya si Bowles at pati na rin ang isang awtor na di ko na maalala pero Paul din.
Bago nito, nabigyan ko siya ng "Collected Stories, 1939-1976" ni Bowles. Obligado akong tapatan ang pagmagandang loob niyang ibigay sa akin ang kanyang quill pen at ink bottle noong binasa ko ang sulat niya sa tribute kay Rene Villanueva. Nagpaalam akong magtagal muna sa akin ang libro para mabasa ko. Naka-apat akong kuwento, kasama ang nakababagabag na "The Delicate Prey."
Binigay ko ang mga libro sa opening ng exhibit niya sa School of Design and Arts sa La Salle-Benilde. Kinabukasan, tinext niya ako: "I love the two books you gave me! I always dreamed of having them, and now I do!"
Mula sa
http://timdacanay.multiply.com/journal/item/2