Posted by Tim on Apr 7, '08 2:00 PM for everyone The Satanic Verses paperback edition, sa sale bin ng NBS SM City Davao. May sticker na "This item only." Singkuwenta pesos. Dalawang taon na ang nakaraan, dalawang linggo pagkatapos kong basahin ang isang hiram na hardbound edition. (Hindi ako handa nung una kong nabasa ang ilang kabanata dalawang dekada na ang nakaraan.) Wow! Isang modernong nobela. Astig si Rushdie. Paborito kong linya: "...Alelluia Ice Queen Cone." Paborito kong imahen: ang babaeng lider ng mga teroristang skyjacker, binuksan ang coat upang ipakita sa mga nagdadalawang-isip na lalaking kasama ang nakastrap na mga bomba sa hubad na katawan.
| |
|